Wika: Tradisyon-Modernisasyon
Sa Aking Mga Kabata
Jose Rizal, 1869
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Hindi ko maiwasang punahin ang komento ng isang ali sa tindahan kahapon na hindi na daw dapat ipamulat sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng salitang banyaga at huwag ng turuan ng Filipino/Tagalog sapagkat wala raw mabuting maidudulot ito sa pag-unlad ng kanilang buhay dito sa ibayong dagat. ‘Pinagbabawal ko mga sa asawa kong kausapin ang mga anak ko sa tagalog, walang magandang maidudulot ito sa kanila dito sa Canada.” Naisip ko tuloy, gaano mga ba kahalaga ang pambansang wika sa modernong mundo? Ang pagtira ba sa ibayong dagat ay nangangahulugang paglimot sa wikang kinagisnan?
May punto naman ang ali sa kanyang tinuran, kung hindi nga naman maiintindihan ng mga batang Pilipino na naninirahan sa ibang bansa ang ating wika ay hindi sila maapektuhan sa mga mapanuring salita o di kaya’y maling kuro-kuro ng ating mga kababayan. At hindi naman talaga nila kailangan ito para sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ngunit sa isang banda, hindi ako sang-ayon sa tinuran ng ali dahil maniniwala pa rin ako na ang mga Pilipino, katutubo man o pinanganak sa banyagang bansa ay dapat matoto ng wikang Filipino/Tagalog. Ito ay isang pagkilala sa ating pinagmulan at isang paraan para patuloy na mabuhay and maging bahari ng pag-unlad ang ating wika sa paglipas ng panahon.
Hindi naman kinakailangan ng malalim na pang-unawa at perpekto pananalita ng Filipino/Tagalog. Ang mababaw na pang-unawa at kakayahang maipahayag ang mga simpleng bagay sa sapat ng pamana natin sa mga bata, nasa sa kanila na ang kung mamarapatin nilang pagyamanin ang kaalamang ito.
Mas mainam sigurong hubugin natin ang kakayahan ng mga kabataan na makaunawa ang wikang tagalog dahil ito ay bahagi ng kanilang pinagmulang kultura. Ituring na lang nating itong bahagi ng paglinang sa kaisipan ng mga bata ng magkaroon sila ng malawak na pang-unawa sa buhay.
Ang mundo ay patuloy na iinog tunggo sa modernisasyon at ang wika at patuloy na magiging bahagi ng pag-inog na ito kaya nasa sa atin na kung papaano natin bibigyang buhay ang sariling wika para maging bahagi ito ng modernong mundo.
Note: Huwag po ninyong dibdibing masyado ang panulat na ito, gusto ko lang pong isulat pero hindi nangangahulugang ako’y isang nasyonalista… oo nasa akin pa rin siguro ang pagiging makabayan ngunit hindi nangangahulugang lahat ng aking ginagawa ay sang-ayon sa kahulugan ng salitang makabayan sa mata ng masa. Alam ko at alam nating lahat na tayong mga Filipino/Pilipino ay marunong makidaloy sa agos ng buhay saan man tayo mapadpad at iyan ay isang kahanga-hangang bahagi ng ating lahi na dapat nating ipagmalaki.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home